Sa isinagawang survey noong September 8 hanggang 14, 2015, nakakuha si Poe ng 26 percent. Statistically tied naman sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 20 percent, kadikit si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 19 percent at si Davao Citiy Mayor Rodrigo Duterte na may 16 percent.
Sa nasabing survey, tinanong ang mga respondents kung sino sa mga pangalanang nasa listahan ang kanilang ibobotong presidente kung ngayon na gagawin ang eleksyon.
Nakasaad din sa resulta na si Poe din ang pangunahing choice ng mga respondents na mula sa Metro Manila (26 percent) at sa Luzon (31 percent); habang si Roxas ay nanguna sa kaniyang hometown sa Visayas (34 percent); at si Duterte ay top choice naman ng mga Mindanaoans (29 percent).
Ang iba pang napabilang sa presidential survey ay sina Senators Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Miriam Defensor Santiago at Alan Peter Cayetano, Manila Mayor Joseph Estrada, dating rehabilitation czar Panfilo Lacson at dating Akbayan party-list representative Walden Bello.
Samantala, si Poe rin ang nanguna sa Vice Presidential survey ng Pulse Asia para sa nasabing petsa.
Nakakuha si Poe ng 24 percent, habang ang kaniyang running mate sa 2016 na si Senator Chiz Escudero ay nakakuha naman ng 23 percent.
Nasa ikatlong pwesto naman sa vice presidential survey si Marcos na nakakuha ng 13 percent at pang-apat si Cayetano na mayroong 9 percent.