Eastern Russia, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang East Russian Coast, Huwebes ng umaga.

Naganap ang lindol alas 10:10 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ang epicenter nito ay naitala sa 41 kilometers east ng Nikol’skoye, Komandorskiye Ostrova.

Unang naitala sa 6.4 magnitude ang lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 6.2 ng US Geological Survey.

Wala pa namang napaulat na pinsala dulot ng nasabing lindol.

 

 

 

 

Read more...