4 na oras na interval ng pagputok ng Mayon, kauna-unahan sa kasaysayan

Kuha ni Mark Makalalad

Kauna-unahan sa kasaysayan ang naitatalang 4 hours interval sa pagputok ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Cedric Daep, hepe ng Albay Public Safety and Management Office, kung ikukumpara sa 1984, 1993 at 2000 eruption ng pagputok ng Mayon, ngayon lamang tila nagkaroon ng pattern sa pagbubuga nito ng makakapal na abo.

Noong Sept 11, 1984 na pagputok kasi ay nasundan noong September 23 at noong February 2, 1993 na pagputok naman ay nasundan ang pagputok ng February 25.

Habang noong 2000 naman ay walang tigil ng 3 oras ang pagputok ng bulkan na nagdulot ng pagiging zero visibility ng Guinobatan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Paul Alanis ng PHIVOLCS na nagre-recharge ang Mayon sa pagitan ng time interval dahilan para umangat ang magma sa bunganga ng Bulkan.

Noong Miyerkules, alas 6:02 ng umaga unang nagbuga ng makakapal na abo ang Mayon. Tumagal ito ng ilang minuto at nagpadilim sa kalangitan.

Matapos nito, muli na naman itong lumikha ng eruption column pasado alas 10:50 ng umaga na at isa pang pagbuga ng abo 1:54 naman ng hapon.

Lahat ng 3 pagbuga ay pare-parehong lumikha ng 3 kilometrong taas ng ash plumes.

Samantala, 5:58 naman ng hapon ng nagpakwala ito ng lava fountain na umabot ang ash plumes sa 4 na kilometero ang taas at naulit muli alas 10:26 ng gabi.

Samantala, Huwebes naman ay nakapagtala na ng 2 lava fountaining ang Mayon.

Naitala ang unang pagbuga ng abo ng Mayon alas 6:11 ng umaga kung saan nasa 2.5 hanggang 3 kilometers ang ash column nito at alas 8:54 ng umaga kung saan 500 meters naman ang taas ng ash plumes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...