Medical at rescue teams ng coast guard nasa Albay na

Dumating na sa lalawigan ng Albay ang team ng Philippine Coast Guard (PCG) upang tumulong sa mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ayon kay Coast Guard spokesperson Captain Armand Balilo, aayuda ang pwersa ng coast guard sa nasa 70,000 mga lumikas at nananatilin ngayon sa mga evacuation center sa lalawigan.

Kabilang dito ang mga medical teams at mga search and rescue units na may dalang mga gamot, face masks at rescue dogs.

Nakahanda na rin ang hospital ship ng coast guard upang maglayag patungo sa Albay sakaling kailanganin habang nagpapatauloy ang pagbuga ng usok at paglalabas ng pyroclastic materials ng bulkang Mayon.

ipInagutos naman ni Coast Guard Commander Rear Admiral Elson Hermogino sa mga tauhan nito na nasa Albay na imonitor ang epekto ng binabantayang Low Pressure Area.

Ayon kasi sa PAGASA, posibleng makaapekto ito sa Visayas at silangang bahagi ng Albay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...