DOTr nagpaliwanag sa pagkaunti ng bilang ng gumaganang tren ng MRT-3

PHOTO: REEVE MANALO ADUBAL

Nagpaliwanag ang Department of Transportation (DOTr) kung bakit nabawasan ang bilang ng mga gumaganang tren ng MRT-3.

Ayon sa DOTr, simula nang i-take over ng gobyerno ang maintenance sa MRT-3 noong Nobyembre 2017, sumentro sila sa pagsasaayos ng mga bagon na hindi maganda ang kondisyon.

Ibinaba umano sa 15 lang ang bilang ng mga tren na pinapatakbo araw-araw dahil ang iba ay sumasailalim sa maintenance.

Sinabi ng DOTr na bumili na sila ng spare parts para sa mga may sirang bagon at inaasahang sa Pebrero ay darating na ang unang batch nito.

Sa sandaling dumating ang biniling spare parts sinabi ng DOTr na unti-unti nang madaragdagan muli ang bilang ng mga bumibiyaheng tren at mababawasan na rin ang insidente ng aberya.

Humingi ng pang-unawa ang DOTr sa mga pasaherong araw-araw na dumaranas ng kalbaryo sa pagsakay sa MRT-3.

Noong Miyerkules bumaba sa pito lamang ang bilang ng mga bumibiyaheng tren ng MRT dahilan para humaba ang pila sa mga istasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...