2 sasakyan tumagilid matapos magkabanggaan sa Commonwealth Avenue, Quezon City

Kuha ni Justinne Punsalang

Mahigit isang oras na naabala ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa tapat ng Commission on Human Rights (CHR) matapos tumagilid ang dalawang sasakyan Huwebes (Jan. 25) ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Michael Ponce ng Quezon City Traffic Sector 5, aminado naman ang driver ng Mitsubishi Montero Sport na si Esmeraldo Batacan na nabangga niya ang Mitsubishi Adventure na minamaneho naman ni Donald Anabieza.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang Adventure, habang umarangkada pa nang kaunti ang Montero Sport bago tumigilid rin at bumangga sa mga concrete barrier na ginagamit pangharang sa construction ng MRT 7.

Giit ni Batacan, mabagal lamang ang kanyang takbo. Ngunit ani Ponce, kung titingnan ang laki ng pinsala ay malabong mabagal ang andar nito.

Ayon kay Ponce, nagkasundo na lamangang dalawa na sasagutin ni Batacan ang danyos sa sasakyan ni Anabieza, maging kung ano man ang danyos sa nabanggang concrete barrier sa MRT 7.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...