Panibagong sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA sa loob ng PAR

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa 95 kilometers East ng Butuan City, Agusan del Norte.

Apektado na ng nasabing LPA ang Bicol Region, Eastern Visayas at ang mga lalawigan ng Quezon, Romblon, Northern Cebu, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands.

Ang nasabing mga lugar ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman at minsang malakas na buhos ng ulan.

Maliit naman ang tsansa na magiging isang bagyo ang nasabing LPA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...