Itinanghal na 1st-runner up ng katatapos lamang na Miss Intercontinental 2017 sa Hurghada, Egypt ang pambato ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez.
Pumangalawa si Katarina sa pambato ng Mexico na si Veronica Salas Vallejo na kinoronahan ni Miss Intercontinental 2016 Heilymar Rosario Velazquez ng Puerto Rico.
Pinalakpakan ang naging sagot ni Rodriguez sa ‘Question and Answer portion’ ng pageant matapos tanungin tungkol sa pinakamahalagang bagay na natutunan niya sa pagsali sa kompetisyon.
Ayon kay Rodriguez ang pagkatuto sa Arabic word na ‘Meraki’ na may kahulugan sa ingles na ‘to do all things with passion, soul and creativity’ ang kanyang pinakamahalagang natutunan at dadalhin niya ang aral na ito habambuhay.
“The most important thing that I have learned while participating in Miss Intercontinental is actually an Arabic word which is named after one of the Sunrise Resorts and it is called “Meraki”. It means to do all things with passion, soul and creativity. When I heard this word and its definition, it resonated with me ‘til now and I think it will for the rest of my life. Therefore, that is the most important thing I learned while participating in this pageant. “Meraki”. To do all things with passion, soul and creativity. Thank you.”, ani Rodriguez.
Si Rodriguez ay itinanghal din na runner-up ng modelling-reality show na Asia’s Next Top Model.
Bagaman itinuturing na powerhouse ang Pilipinas sa larangan ng ‘pageantry’ ay hindi pa nakakapaguwi ng korona ang bansa sa Miss Intercontinental.
Si Katarina na ang nagsara ng laban ng mga nakoronahan ng Binibining Pilipinas para sa taong 2017.