Senate at House leaders, nagpulong upang planuhin ang hakbang tungo sa charter change

 

Photo: HML Rudy Fariñas/Erwin Aguilon

Nagpulong na ang mga Senate at House leaders Miyerkules ng gabi upang pag-usapan ang isyu ukol sa planong charter change.

Sa larawan na ipinadala ni House Majority Leader Rep. Rodolfo Fariñas, makikita ang kanyang pakikipag-hapunan kina Senate President Koko Pimentel, Senate Majority Leader Tito Sotto, at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kinumpirma ni Fariñas na nagkasundo na sila na unahin ang pagtutok sa ipinapanukalang government structure at iba pang probisyon ng Saligang Batas.

Sa oras aniyang mabuo na ang mga ito, ay kanila namang isusunod ang pagtalakay kung paano isaskatuparan ang paraan ng gagawing pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Gayunman, nilinaw ni Fariñas na wala pang eksaktong panahon silang napagkasunduan kung kailan matatapos ang kanilang mga hakbang na isasakatuparan tungo sa charter change.

Read more...