Ang deposition ay gagamitin sana sa kasong large scale illegal recruitment na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa mga recruiter ni Veloso na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Sa inihain na 45-pahinang motion for reconsideration ni Solicitor General Jose Calida, iginiit nito na na tahasang binalewala ng CA Former Eleventh Division ang “extraordinary” situation ni Veloso.
Naniniwala ang OSG na hindi saklaw si Veloso ng Rule 119 ng Rules of Criminal Procedure na pinagbasehan ng desisyon ng CA.
Hirit pa ng OSG, nabalewala umano ang obligasyon ng estado sa ilalim ng ASEAN Mutual Legal Assistance Treaty (MLAT) at napagkaitan ang ito ng karapatan na magprisinta ng kaso dahil sa nasabing pasya.
Gusto ng OSG na pawalang bisa ang writ of preliminary injunction ng CA na pumigil sa deposition dahil labag ito sa circular ng Office of the Court Administrator at mga naunang jurisprudence ng Korte Suprema sa kaparehong kaso.