Pinuno ng PDEA nakiusap na huwag silang ikumpara sa PNP

Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na huwag silang ikumpara sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa giyera ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ipinaliwanag ni PDEA Director General Aaron Aquino na maganda ang kanilang ugnayan sa PNP.

Sinabi rin ni Aquino na masaya siya sa paglalabas ng panibagong guidelines ng PNP sa mga operasyon kontra droga.

Sa naturang guidelines ay kinakailangang kasama ang mga operatiba ng PDEA sa high-value drug operations ng pulisya ayon sa PDEA Chief.

Suportado rin ni Aquino ang patakaran ng PNP na kinakailangang isugod sa ospital ang mga suspek o otoridad na masusugatan sa engkwentro.

Magugunita na inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kamay ng PNP ang giyera kontra droga noong Oktubre bunsod ng mga alegasyon ng pang-aabuso at inilipat ito sa pamamahala ng PDEA.

Noong Disyembre ng nakalpias na taon ay ibinalik ang PNP sa giyera kontra droga pero ang PDEA pa rin ang nangunguna sa kampanya.

Read more...