Isinauling award ni Mocha Uson natanggap na ng UST

Natanggap na ng University of Santo Tomas Alumni Association ang isinauling government service award ni Presidential Communication Asec. Esther Margaux “Mocha” Uson.

Ang nasabing award ay ibinalik ni Uson matapos na ulanin ng batikos ang pagtanggap niya ng pagkilala mula sa mga estudyante ng UST, netizens at ilang mambabatas.

Ang naka-frame na award ay tinanggap ni Dr. Robert Sy na siyang chairman ng UST Alumni Association at board of adviser Atty. Jack Castañeda.

Una nang dumistansya ang UST sa pagbibigay ng nasabing award kay Uson sa pagsasabing ang nagbigay ng pagkilala sa opisyal ay ang UST Alumni Association Inc. na isang hiwalay na organisasyon sa unibersidad.

Dahil sa nasabing kontrobersiya ay nagbitiw na rin ang ilang opisyal ng UST Alumni Association.

Read more...