Sa gitna ito ng mga karahasan na dinaranas ng mga Overseas Filipino Workers sa Gitnang Silangang kung saan apat na mga Filipina ang namatay sa Kuwait sa nakalipas na ilang buwan.
Sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ang pagdalo sa ASEAN-India Special Commemorative Summit sa New Delhi sinabi ng pangulo na kailangan ng bansa ang tulong ng mga taga Middle East pero dapat na itrato ng tama at igalang ang karapatan ng mga OFWs.
Noong nakalipas na linggo ay sinuspinde ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga bagong OFWs sa Kuwait dahil sa tumataas na kaso ng mga kalupitan.
Kasabay nito ay nanawagan siya sa pamahalaan ng nasabing bansa na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na Pinay workers doon.
Sa tala ng DOLE, umaabot sa halos ay 10 Million ang mga OFWs kung saan karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa mga bansa sa Gitnang Silangan.