Sa kanyang talumpati bago ang pagbisita sa New Delhi kaugnay sa ASEAN-India Special Commemorative Summit ay sinabi ng pangulo na kanyang kaibigan ang nasabing mambabatas.
“It is not in my style na maghabol ng…ni wala akong pakialam sa kaso ninyo sa Mamasapano. Magdala ka ng tao dito kung sinong inutusan ko ‘yang sa PDAF-PDAF…I will resign because you are my friend,” ayon pa sa pangulo.
Nauna nang lumabas ang mga ulat na nakahanda na umanong magsalita si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles kaugnay sa pagtanggap ng ilang mga pulitiko ng pera mula sa kanya.
Sinasabi sa mga ulat na tumanggap umano si Drilon ng P5 Million na pondo sa kanyang pangangampanya mula kay Napoles.
Samantala, nagpasalamat naman si Drilon sa naging pahayag ng pangulo at kanyang inulit na wala siyang kaugnayan sa iskandalong kinasasangkutan ni Napoles.