Epidemya sa mga evacuation centers sa Albay minaliit ng DOH

Radyo Inquirer

Hindi pa nakikita ng Department of Health Region 5 na magkakaroon ng epedemya o pagkalat ng mga nakakahawa at nakamamatay na sakit sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay.

Ito’y kasunod na rin ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon at pagbuga nito ng mga makakapal na abo.

Ayon kay DOH Region 5 Director Dr. Napoleon Arevalo, walang ‘epidemic potential disease’ silang naitatala.

Mula Janury 15 hanggang January 23, nanatiling ubo at sipon ang mga sakit na naitatala nila sa loob ng evacuation centers na may 602 cases.

Sinundan naman ito ng Acute Respiratory Infection na may 596 cases, headache and fever na may 327 cases, hypertension na nakapagrehitstro ng 153 cases, wounds na may 124 cases at diarrhea na nasa 65 cases.

Dagdag pa ni Arevalo, kagaya nang nangyari noong 2014, naging maayos naman ang pag-aasikaso sa mga apektado ng mga bakwit kung kayat walang epidemya na nangyari.

Samantala, nilinaw ng opisyal na nasa mahigit 50 percent sa mga naitala nila ay dati ng may sakit at sa mga evacuation centers na lamang nagpa-check up.

Read more...