Mula sa Elliptical Road, nagmartsa ang nasa 100 jeepney operators at drivers patungo sa main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue sa Quezon City.
Sa pangunguna ni George San Mateo, national president ng PISTON, na galing pa sa pagdinig sa kanyang kaso sa Quezon City Metropolitan Trial Court, kinalampag ng grupo LTFRB.
Nanawagan sila na itigil na ang pagpapatupad ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ng inter-agency council on transportation (I-ACT).
Ayon sa mga driver tumigil na ang marami sa kanila sa pamamasada dahil natatakot silang mahuli at pagbayarin ng mga napakataas na multa.
Kaya’t sinasabi ng mga driver na lubhang apektado na rin ang kanilang pamilya.
Paniwala ng PISTON ang pagharang sa mga jeep para inspeksiyunin ay panggigipit sa kanila dahil sa kanilang pagtutol sa PUV modernization program ng gobyerno.