Ilang mga bahay tinupok ng apoy sa Bacoor, Cavite

Photo from Fire Emergency Paramedic Assistance Group

Tinupok ng apoy ang mga barong-barong sa Bacoor, Cavite.

Nagsimula ang sunog alas 10:06 ng umaga sa Barangay Tabing Dagat.

Umabot sa 4th alarm ang sunog dahil mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Inaalam pa ng Cavite Fire Department kung gaano karami ang naapektuhang mga bahay gayundin kung ano ang pinagmulan ng apoy

Sa mga larawang ibinahagi sa twitter ng mga fire volunteers, kitang-kita ang maitim at makapal na usok sa kasagsagan ng sunog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...