Sa kaniyang Twitter at Facebook page, sinabi ni Uson na kahit sinabi ng USTAAI na wala silang balak bawiin ang award ay nagdesisyon na lang siyang ibalik ito.
Staff ni Uson ang nagsauli ng award.
Tila ginagamit pa kasi aniya ang isyu para malihis sa mas mahahalagang usapin gaya ng problema sa Dengvaxia.
Sobra na rin aniya ang pambu-bully na tinanggap ng nagbitiw na presidente ng USTAAI na si Henry Tenedero mula sa ilang Thomasians.
Umaasa si Uson na sa kaniyang pagsasauli ng award ay titigil na ang pagbatikos sa USTAAI.