Nahuli ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang suspek na si Larry John St. Clair, 45-anyos sa Dagupan City.
Sa impormasyon mula sa US embassy, nahatulang guilty si St. Clair at pinatawan ng 64 buwan na pagkakakulong.
Gayunman, matapos ang 36 buwang pagkakakulong, nakalaya ang suspek matapos aprubahan ng California court ang kaniyang petisyon.
Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, naglabas ang US district court sa Eastern California ng arrest warrant dahil sa paglabag sa kondisyon ng release at pagpunta sa Pilipinas.
Ipapa-deport din aniya ang suspek bilang undocumented alien sa bansa.
Ayon naman kay BI intelligence officer at FSU chief Bobby Raquepo, nagtago ang suspek sa bansa simula pa noong June 2015.
Kabilang din aniya si St. Clair sa blacklist oder na inisyu ng BI para sa possession of counterfeit visa extension stamps.