Ayon kay Sr. Supt. James Allan Logan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM), nadakip si Najiya Dilangalen Karon-Maute sa kaniyang bahay sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City.
Kabilang si Karon-Maute sa inilabas na arrest order number 2 ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana noong June 5, 2017 dahil sa paglabag sa Article 134 o rebelyon.
Ayon naman kay Chief Insp. Allan Uy, tagapagsalita ng CIDG-ARMM, si Karon-Maute ay biyuda ng napatay na Maute leader na si Mohammad Khayyam.
Sa ngayon, dumadaan aniya ang suspek sa tactical interrogation kaugnay sa naging posisyon nito sa rebeldeng grupo.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek ang pamilya nito sa media.