Nadagdagan ngayon ang problema ng lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo, Albay.
Bukod kasi sa dami ng mga bakwit, nagiging kalbaryo na rin nila ang suplay ng tubig sa mga evacuation centers.
Natutuyo na ang mga balon sa ilan nilang mga barangay dulot ng patuloy na pag-init ng lupa at pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Sto. Domingo Mayor Herbie Aguas, sa ngayon ay kinakapos na ng suplay ng tubig ang mga evacuation centers sa kanila pero nananatili naman umano itong manageable.
Ang inaalala nya, sakaling matagalan pa ang pag-aalburuto ng Mayon ay kung saan sila kukuha ng suplay ng tubig.
Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi naman ni Paul Alanis, research specialist ng PHIVOLCS na kaya natutuyo ang mga balon ay dahil umaakyat ang magma sa bunganga ng Mayon at nagkakaroon na ng ground deformation.