Biyahe ng LRT-1, nagka-aberya

Kuha ni Chona Yu

Nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) line 1.

Isang tren ng LRT-1 ang nagkaroon ng technical problem sa bahagi ng Blumentritt station northbound pasado alas 8:00 ng umaga.

Sa reply ng LRT-1 sa kanilang twitter account, kinakailangan umanong ihinto pansamantala ang biyahe dahil sa nagkaproblemang tren para na rin sakaligtasan ng mga pasahero.

Alas 8:21 naman ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Dahil sa nasabing aberya, humaba ang pila ng mga pasahero sa Monumento station at iba pang istasyon ng tren dahil ilang minuto ring nagpatupad ng stop entry.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...