Ang unang pagsabog ay naganap sa labas ng isang mosque sa eastern city na Benghazi sa central Al Salmani district habang palabas ang mga worshippers matapos dumalo sa evening prayers.
Makalipas ang 10 hanggang 15 minuto nang dumating na sa lugar ang mga security at health officials ay naganap ang ikalawa at mas malakas pang pagsabog.
Sumabog umano ang isang Mercedes na nakaparada sa kabilang bahagi ng kalsada at isang ambulansya ang tinamaan ng pagsabog.
Mas marami umano ang nasawi sa ikalawang pagsabog kumpara sa nauna na kinabibilangan ng mga military personnel at mga sibilyan.
Kasama sa nasasawi si Ahmed al-Feitouri ng investigation and arrest unit ng Libyan security forces habang nasugatan ang isa pang intelligence official na si Mahdi al-Fellah.
Wala pang grupong umaako sa insidente.