Pastor Boy Saycon, itinalaga ni Pangulong Duterte sa People Power Commission

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pastor Boy Saycon bilang miyembro ng EDSA People Power Commission.

Ang People Power Commission ay nasa ilalim ng Office of the President.

January 18, 2018 nang lagdaan ng pangulo ang appointment paper ni Saycon.

Si Saycon ay naging secretary general ng Council for Philippine Affairs (COPA) at kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Noong 2016, nagdala pa ng testigo si Saycon sa senado para patunayan na nagkaroon umano ng dayaan sa eleksyon sa lalawigan ng Quezon.

Hiniling pa nga ni Saycon na mapawalang-bisa ang proklamasyon kina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo dahil sa aniya ay dayaan.

Bukod kay Saycon itinalaga rin ng pangulo si Christopher Carrion bilang member ng People Power Commission.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...