Biyahe ng MRT maagang nagka-aberya

Maaga na namang nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Pinababa ang mga pasahero pinababa sa Magallanes northbound dahil sa technical problem.

Naganap ang aberya kaninang 6:00 ng umaga.

Samantala, nagkaroon naman ng ikalawang aberya sa bahagi ng Guadalupe station.

Pinababa ang mga pasahero sa Guadalupe station Southbound alas 8:59 ng umaga dahil din sa nagkaproblemang tren.

Sa abiso ng MRT-3, mula nang mag-umpisa ang biyahe ngayong araw hanggang alas 8:00 ng umaga ay walong tren lamang ang nakakabiyahe.

Pitong magkakasunod na araw nang nakapagtatala ng araw-araw na aberya sa biyahe ng MRT.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...