TRO sa paglalabas ng plaka ng LTO, binawi na ng SC

Inquirer file photo

Tinanggal na ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) laban sa implementasyon ng motor vehicle license plate standardization program (MVPSP) ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ay matapos na magpasya ang Supreme Court en banc na i-dismiss ang Petition for Certiorary at prohibition, at ideklara ang budget ng motor vehicle registration and driver’s licensing regulatory service sa 2014 General Appropriations Act (GAA) na constitutional.

Sa desisyon ng Supreme Court, sinabi nito na anumang ligal na kuwestiyon sa procurement ng MVPSP ay na-remedyuhan na ng paglalaanan dito ng pondo sa 2014 national budget, base sa nauna nitong desisyon noong April 22, 2015 sa kasong Jacomille vs Abaya.

Una nang kinuwestiyon ang ligalidad ng procurement ng MVPSP sa Jacomille vs Abaya case dahil sa kawalan nito ng budget sa ilalim ng 2013 GAA.

Dahil dito, maaari nang tuloy na ang pagpapalabas ng nasa 700 libong license plate para sa mga motor vehicle at mga motorsiklo na pinigil dahil sa TRO na inilabas ng korte noong June 14, 2016.

Read more...