Isinusulong ng Senado na tanggalin na ang umiiral na ‘quantitative restriction’ sa bigas at patawan ng taripa ang rice importation.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, matutulungan ng hakbang ang mga maliliit na rice farmers bukod pa sa maiibsan ang korapsyon sa pag-angkat ng bigas.
Paliwanag ni Villar, tinatayang makakakolekta ng higit 25 bilyong piso kada taon kapag naisabatas ang panukala.
Sa panukala, may 35 porsyento na taripa sa importation sa ASEAN country at 45% na taripa naman sa non-ASEAN country.
Plano naman ng panukala na ilaan sa mga programa para sa mga magsasaka ang makakalap na pondo upang makatulong din sa produksyon ng bigas
Bahagi umano ng solusyon para maging self-sufficient ang bansa ay kung magiging competitive ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-mechanize at pag-improve ng teknolohiya sa pagproseso ng bigas at madagdagan ang produksyon nito na posibleng magpapababa sa presyo ng bigas sa bansa.