Hinamon ng Malakanyang si dating Department of Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos na bumalik sa Pilipinas kung talagang walang kinalaman sa kontrobersyal na Pork Barrel Scam na minaniobra ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagtakas ni Relampagos sa kanyang kaso ay maituturing na admission of guilt.
Si Relampagos ay nahaharap sa 300 kasong kriminal dahil sa Pork Barrel Scam.
December 2, 2017 nang payagan ng Sandiganbayan si Relampagos na makabiyahre ng isang buwan sa Amerika para dumalo sa international consortium on government financial management, pero hindi na ito bumalik pa ng bansa.
Hinimok pa ni Roque si Relampagos na ibunyag na ang lahat ng kanyang nalalaman sa Pork Barrel Scam at baka sakaling mabawasan ang kanyang mga kinakaharap na kaso.