Kamara, imposibleng mag-ChaCha nang wala ang Senado

Inquirer file photo

Iginiit ngayon ni Senator Franklin Drilon na imposibleng magkaroon ng Charter Change nang wala ang Senado.

Ito ang naging tugon ni Drilon sa naging hakbang ng Kamara na ituloy ang Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly kahit walang partisipasyon ang mga Senador.

Ayon kay Drilon, malinaw na itinakda sa Saligang Batas partikular na sa Article 6, Section 1 na ang Kongreso ay binubuo ng Senado at ng Kamara.

Dahil dito, malinaw na kailangan at itinakda na dapat magkaroon ng partisipasyon ang Senado sa anumang hakbang na amyendahan ang Saligang Batas.

Read more...