Ayon sa MRT, pinababa ang nasa 500 pasahero sa Santolan-Annapolis station northbound alas 11:53 ng umaga ng Martes.
Ito ay makaraang makaranas ng “braking system error” ang isang tren.
Nakasaad sa pahayag ng MRT na “defective electrical and braking sub-components” ang dahilan ng aberya.
Para matiya ang kaligtasan ng mga pasahero, pinababa na lamang sila at dinala sa depot ang nasirang tren.
Makalipas ang apat na minuto, napasakay naman sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero.
MOST READ
LATEST STORIES