Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Cayetano, bubuksan nila ang nasabing bilang ng slots para sa mga buwan ng Pebrero hanggang Mayo.
Mula ala 1:00 ngayong hapon magiging available na ito online at maari nang makapagpa-schedule ang publiko.
Inabisuhan ni Cayetano ang publiko na mag-check online at i-refresh ng i-refresh ang kanilang website.
Kung agad aniyang mauubos ang 100,000 allotment, sinabi ni Cayetano na marahil ay mataas talaga ang demand pero hindi rin nila inaalis ang posibilidad na may gumagalaw na sindikato.
Sa mga susunod na araw, sinabi ni Cayetano na marami pang passport appointment slots ang bubuksan sa publiko.
Inaasahan kasing marami ang magpapa-appointment para makakuha o makapag-renew ng passport dahil papalapit na ang summer season at marami ang bibiyahe.
Kasabay nito, nagbabala si Cayetano sa mga umano ay sindikato na nambibiktima ng mga nais makakuha ng appointment na hahabulin sila ng DFA.