Dalawang bata, nalunod sa palaisdaan sa Alaminos City

alaminosNalunod ang isang 7 taong gulang na batang babae kasama ang kaniyang 3 taong gulang na kapatid na lalaki kahapon sa isang palaisdaan sa Alaminos City.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangasinan police na si Supt. Ferdinand de Asis, kinilala ang dalawang bata na sina Sophia at Dwain de Leon.

Ayon kay De Asis, kasama nila ang 6 taong pinsan na pumunta sa isang palaisdaan sa Barangay Pogo para maglaro bandang alas Onse ng umaga.

Pero ayon sa mga pulis, tumungo ang magkapatid sa bahagi ng palaisdaan na may lalim na 1.5 metro at nalunod.

Isinugod sa ospital ang magkapatid sa Alaminos pero bigo na rin silang maisalba.

Read more...