Bilang bahagi ng kaniyang huling araw ng pag-bisita sa Estados Unidos, binisita ni Pope Francis ang mga biktima ng mga pari na nangmomolestiya ng mga kabataan.
Ipinangako rin ni Pope na pananagutin niya ang mga responsable sa eskandalo at binalaan ang mga Amerikanong obispo na inakusahang pinagtatakpan pa ang mga pedopilyang pari kaysa isumbong sa mga pulis.
Tinukoy ni Francis ang mga biktima bilang mga tunay na tagapag-dala ng kapatawaran na siyang tunay na karapatdapat sa pasasalamat ng simbahang Katoliko.
Pumayag na ang Santo Papa na bumuo ng bagong Vatican tribunal na uusig sa mga obispo na pagtatakpan ang mga ginagawa ng mga pedopilyang pari.
Kahapon ay pinagtuunan ng pansin ni Pope ang Philadelphia na siyang matinding naapektuhan ng eskandalo at kung saan ang isang monsignor ay ikinulong dahil sa hindi nito pag-alis sa mga pari na nang-molestiya ng mga kabataan.
Naharap sa ilang imbestigasyon ang Archdiocese of Philadelphia dahil sa mga eskandalong kinasangkutan ng kanilang mga pari.