Isa pang bata na nabakunahan ng Dengvaxia, pumanaw sa Pampanga

Isa pang bata na posibleng nasawi umano matapos maturukan ng Dengvaxia ang naitala sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa ulat, naturukan ng isang dose ng Dengvaxia ang 12-anyos na batang babae noong June 14, 2016 sa San Esteban Elementary School sa bayan ng Macabebe.

Na-diagnose ang nasabing bata na may brain herniation syndrome.

Noong January 14, nilagnat at sinipon ang bata at nakaranas din ng pananakit ng ulo at pagsusuka.

January 17 naman nang dalhin na siya sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, at makalipas ang dalawang araw ay binawian na ito ng buhay.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung dengue ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing bata.

Una nang nakapagtala ng dalawang elementary student mula sa Guagua at Candaba na hinihinalang nasawi din dahil sa Dengvaxia.

Dahil dito, umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga batang estudyante na nasawi sa Pampanga na naturukan na ng dengue vaccine simula December 2017.

 

 

 

 

Read more...