(BREAKING) Muling nagbuga ng abo ang bulkang Mayon ngayong Martes ng umaga.
Sa kuha ng Radyo Inquirer team sa Albay, mataas ang inabot ng ash column na inilabas ng bulkan alas 8:50 ng umaga.
Makapal na maputi-puting usok ang lumabas sa bunganga ng bulkang Mayon na umabot sa 5-kilometro ang taas.
Patuloy ang paalala provincial government ng Albay sa mga residente na huwag nang lumabas at gumamit ng face masks o basang tela pantakip sa kanilang ilong.
Pinalawig na rin sa hanggang 9-kilometer ang danger zone sa mga bayan ng Camalig at Sto. Domingo.
MOST READ
LATEST STORIES