Ikalawang petisyon vs TRAIN Law, inihain sa SC

 

Mula sa dof.gov.ph

Isa pang consumer group ang naghain ng petisyon sa Korte Suprema na naglalayong ipawalang-bisa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.

Giit ng grupong Laban Konsyumer sa kanilang petisyon, sa halip na makatulong ay lalo pang magpapahirap ang TRAIN Law sa mga naghihikahos nang mga Pilipino.

Dahil anila sa ipinataw na excise tax sa produktong petrolyo, magkakaroon ng ‘domino effect’ sa presyo ng iba pang mga pangunahing bilihin na tiyakang makakaapekto sa mga ‘low income families’.

Hiling din ng grupo, agad na maglabas ng status quo ante order ang Korte Suprema upang mapahinto ang implementasyon ng TRAIN Law.

Bago ang petisyon ng Laban Konsyumer, una nang naghain ng petisyon ang Alliance of Concerned Teachers, Bayan Muna at Anakpawis group upang pigilin ang TRAIN Law.

Read more...