LOOK: ‘Lava fountain’ namataan sa Mayon

Photo courtesy: FB/Phivolcs

Muling nagbuga ng ‘lava’ ang Bulkang Mayon kagabi at kaninang madaling-araw.

Sa video at mga larawang ipi-nost ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa kanilang Facebook page, makikita ang ‘lava fountain’ mula sa bunganga ng bulkan dakong alas 9:35, Lunes ng gabi.

Umabot sa taas na 500 hanggang 700 metro ang ibinugang ‘lava fountain’ ng bulkan ayon sa ahensya.

Nagbuga rin ito ng abo o ‘ash plume’ na umaabot sa 4 na kilometro ang taas.

Nagdulot naman ito ng ‘ash fall’ sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig sa Albay at ilang barangay sa Camarines Sur.

Samantala, dakong ala 1:34 ng hatinggabi, namataan muli ang lava faountaining sa bunganga ng bulkan.

Sa kasalukuyan, nakataas na sa alert level 4 ang estado ng bulkan.

Mula sa Phivolcs: Lava fountaining at Mayon Volcano reached a height of 500 to 700 meters, and produced a 4-kilometer high ash plume. (Time-series photos were taken from 21:35 to 21:48 PST 22 January 2018 at the Mayon Volcano Observatory, Lignon Hill, Legazpi City, Albay.)

Read more...