Drug case ni De Lima, hawak na ng bagong judge

 

Nai-raffle na sa bagong hukom ang kasong may kaugnayan sa iligal na droga laban kay Sen. Leila de Lima.

Ngayon ay naitalaga na ang drug case ni De Lima kay Muntinlupa Regional Trial Court Branch 203 Judge Myra Bayot-Quiambao.

Matatandaang nag-inhibit ang unang hukom na may hawak sa kaso ni De Lima na si Muntinlupa RTC Branch 54 Judge Juanita Guerrero, kaya ito inire-raffle.

Nag-inhibit si Guerrero matapos niyang pagbigyan ang mosyon ni De Lima na nagsasaad ng umano’y “partiality” o pagiging biased.

Ayon kay Guerrero, batid ng korte na ang mismong akusasyon ng pagiging biased o partiality nang walang ebidensya ay hindi ground para sa isang hukom na mag-inhibit.

Gayunman, upang walang maging pagdududa sa integridad at impartiality ng Presiding Judge at upang maalis na sa isip ni De Lima at ng kaniyang kampo ang paghihinala sa kaniyang objectivity, boluntaryo na siyang nag-inhibit sa kaso.

Si Bayot-Quiambao ay kilala dahil sa desisyon niyang hatulan ang isang peace consultant na si Eduardo Sarmiento ng illegal possession of explosives noong 2014.

Ito ang nag-ugat ng isinagawang nationwide fasting ng mga political prisoners noong panahong iyon.

Read more...