2 patay sa sumalpok na bus sa poste ng kuryente sa Benguet

 

Dalawa ang naitalang nasawi, habang 19 naman ang sugatan sa pagsalpok ng isang bus ng Victory Liner na patungo sanang Baguio City.

Ayon kay Chief Insp. James Acod na hepe ng Tuba Municipal Police Station, bumangga ang nasabung bus sa poste ng kuryente sa national highway sa bahagi ng bayan ng Tuba sa Benguet, 1:30 ng hapon ng Lunes.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Joseph Ryan Mesana na kundoktor ng bus at pasaherong si Melba Suarez.

Sa ngayon ay hawak na rin ng mga pulis ang driver ng bus na si Maximo Alday Jr. at nahaharap na sa mga kasong double homicide at multiple physical injuries

Samantala, dinala naman sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga sugatan upang mabigyan ng lunas.

Nakilala naman ang mga biktima na sina:

– Lovely Angeles, 23
– Rose Marie Buena, 37
– Carmina Cabantoc, 23
– Gianne Colleen Catacutan, 19
– Marilyn Eby, 42
– Charito Lobo, 23
– Gemma Lososos, 18
– Mary Jane Lucas, 30
– Ricky Joy Malibang, 29
– Leilanie Pamdi, 45
– Brenden Pearce, 28
– Dimple Pearce, 19
– Sheila Perez, 37
– Ralph Bryan Rojel, 25
– Danilo Sagipen, 54
– Marilou Sagipen, 53
– Teofilo Singco, 45
– Lyra Taniala, 53
– Rebecca Valencia, 65

 

Read more...