Ito’y makaraang makapagpyansa ang mga pulis sa mga kasong homicide at frustrated homicide na kanilang kinakaharap.
Ayon kay Sr. Supt. Florendo Quibuyen, pinuno ng Special Investigation Task group ng Eastern Police District, nakapaghain na ng tig-P25,600 na bail bond ang bawat isa sa siyam na pulis.
Ito ay katumbas ng 20 porsiyento ng kanilang orihinal na P128,000 na pyansa para sa dalawang kaso ng homicide at dalawang kaso ng frustrated homicide.
Aniya, nagtulung-tulong umano ang mga pulis ng Mandaluyong City Police at Eastern Police District upaang mabuo ang P230,000 na bail bond ng siyam nilang kabaro.
Samantala, nananatili namang nasa ilalim ng restrictive custody ni acting Mandaluyong City Police Chief, Supt. Enrique Agatep si Sr. Insp. Ma. Cristina Vasquez, ang team leader ng siyam na pulis na dawit sa insidente.
Ito’y dahil katatapos lamang sumailalim sa preliminary investigation ni Vasquez kahapon.
Matatandaang ang grupo ni Vasquez at ilang barangay tanod ang itinuturong namaril sa isang Mitsubishi Adventure sa Bgy. Addition Addition Hills noong December 28, 2017 sa pag-aakalang mga suspek sa isang kaso ng pamamaril ang lulan nito.
Gayunman, huli na nang madiskubreng sa halip na mga kriminal, ay mga inosenteng sibilyan na magsusugod sana sa isang ginang na biktima ng pamamaril ang lulan ng naturang sasakyan.