Sen. Villanueva na-offend sa ibinigay na award ng UST kay Mocha Uson

Aminado si Sen. Joel Villanueva na na-offend siya sa inilabas na criteria ng University of Santo Tomas Alumni Association na naggawad ng pagkilala kay Communications Asec. Mocha Uson.

Paliwanag ni Villanueva, magiging ipokrito siya kung hindi niya aaminin na nagulat siya na criteria pala ng pagkilala ng UST Alumni Association para magawaran ng award for government service ay dalawa lang.

Pwedeng ikaw ay graduate ng UST o kaya ay nakapwesto sa gobyerno.

Bagaman nilinaw ni Villanueva na kahit sinong alumni ay magiging masaya kung mabigyan ka ng pagkilala ng alma mater pero giit nito na hayaan na ang UST community ang humusga sa usapin.

Kanina ay isinauli na rin ni dating Health Sec. Carmencita Reodica ang kanyang natanggap na pagkilala dahil hindi umano niya nagustuhan na kasama sa listahan ngmga awardees si Uson.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng liderato ng UST Alumni Association na pag-uusapan nila kung babawiin ang award kay Uson o hindi dahil sa pagpalag ng ilang mga nagtapos sa nasabing unibersidad.

Read more...