Hugas-kamay ang University of Santo Tomas na ibinigay parangal kay Presidential Communucations Asec. Ester Margaux “Mocha” Uson.
Sa isang pahayag, sinabi ng Public Affairs Office ng UST na bagaman ikinararangal nila ang kanilang mga graduate na naging matagumpay sa kanilang napiling karera ay kanilang nililinaw nila na hindi sila ang nagbigay ng pagkilala kay Uson.
Ang nagbigay aniya ng Thomasian Award for Government Service sa kotrobersiyal na opisyal ng Malakanyang ay ang UST Alumni Association Inc. (UAAI) na isang korporasyon na iba at hiwalay sa UST.
Mayroon aniya itong hiwalay na board of trustees at hindi nakiki-alam dito ang unibersidad.
Ang natatangi aniyang award na kanilang ibinibigay ay ang outstanding Thomasian alumni na ibinibigay nila sa mga natatanging graduate na dumaan sa kanilang mahigpit na proseso.
Kaugnay nito, nanawagan ang UST sa Thomasian community na gawing gabay ang “veritas at caritate” o truth in charity at manindigan para sa katotohanan.