Bagyong Jenny, napanatili ang lakas

Napanatili ng bagyong Jenny ang lakas nito habang tinatahak ang kanluran-hilagang kanlurang direksyon papuntang West Philippine Sea.

Ayon sa forecast ng PAGASA alas diyes kagabi, ang bagyong Jenny ay nasa 435 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes na may lakas ng hangin na 185 kph at pagbugso na aabot ng 220 kph.

Nakataas pa rin ang Public Storm Warning Signal 1 sa Batanes Islands.

Dahil sa pag-usad nito na 15 kph, inaasahang nasa 385 kilometro hilaga ng Itbayat na ang bagyo mamayang gabi, at tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi.

Read more...