Itinaas na ng PHIVOLCS ang alert level 4 sa bulkang Mayon makaraang makapagtala ng ‘hazardous eruption’ ngayong Lunes, January 22 ng umaga.
Muli kasing naglabas ng mataas at napakakapal na abo ang bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS, alas 10:22 ng umaga, nagkaroon ng ‘degassing event’ sa bulkan o mahinang paglabas ng gas at mga abo mula sa bunganga nito.
Mula sa nasabing oras, nagtuluy-tuloy ang pagbubuga ng makapal at mataas na usok sa bulkan at umabot sa 10 kilometero ang taas ng ash column.
Dahil dito, aabot na sa 8-kilometer ang itituring na danger zone at madaragdagan pa ang ililikas na mga residente sa palibot ng bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES