Iginiit ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin na alam ni dating Secretary Enrique Ona ang procurement ng Dengvaxia vaccine.
Sa ika-apat na pagdinig ng senado sa kontrobersyal na P3.5 Bilyon Dengvaxia vaccine program ng nakaraang Aquino administration, pinasinungalingan ni Garin ang unang naging pahayag ni Ona na wala itong kinalamam sa pag-apruba ng naturang anti-dengue vaccine.
Paliwanag ni Garin noong undersecretary pa lamang ito ng DOH ay nagsagawa na ito ng presentation noong July 2014 at September 2014 kay Secretary Ona tungkol sa Dengvaxia vaccine.
Sa katotohanan, nagustuhan at pinuri pa sila noon ni Ona.
Nauna ng sinabi ni Ona sa pagdinig na wala itong kinalaman sa procurement ng Dengvaxia vaccine dahil nagsilbi ito bilang kalihim ng DOH simula 2010 hanggang Disyembre 2014.
Aniya inaprubahan ang naturang proyekto ng wala na ito sa ahensya.