Rappler CEO Maria Ressa humarap sa NBI para sagutin ang kasong cyber libel

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rappler CEO and Executive Editor Maria Ressa para dumalo sa pagdinig sa kinakaharap na reklamong cyber libel.

Si Ressa ay pinadalhan ng subpoena ng NBI Cybercrime Division kasama sina dating Rappler researcher-writer Reynaldo Santos Jr. at businessman na si Benjamin Bitanga. Kapwa naman hindi dumalo sa pagdinig ang dalawa.

Ayon kay Ressa, hindi pa nabibigyan ng kopya ng reklamo ang Rappler nang matanggap nila ang subpeona. Gayunman, handa aniya silang sagutin ang reklamo dahil wala naman silang itinatago.

Nag-ugat ang reklamo na isinampa ng negosyante si Wilfredo Keng nang lumabas sa Rappler ang istorya na pinahihirap ni Keng ang kaniyang SUV kay dating Chief Justice Renato Corona.

Naisapubliko ang artikulo noong May 2010, ilang buwan bago maisabatas ang Republic Act No. 10175 o cybercrime law noong Setyembre 2012.

Ayon kay Ressa, hindi pwedeng gamitin sa nasabing isyu ang batas dahil nangyari ang pagsasapubliko ng kinukwestyong artikulo bago pa maipasa ang batas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...