Mismong si dating Department of Health (DOH) Sec. Enrique Ona ang nagsabi na hindi dapat naipatupad ang P3.5 billion anti-dengue immunization program ng ahensya gamit ang Dengvaxia.
Sinabi ito ni Ona sa pagharap sa pagdinig sa senado makaraang tanungin siya ni Senator Richard Gordon kung irerekomenda niya bang gamitin ang Dengvaxia kung siya ang nakaupo noon bilang kalihim ng DOH.
Ayon kay Ona, hindi dapat naipatupad ang programa gaya ng ginawa ng DOH na ibinigay ang bakuna sa halos isang milyong mga bata.
Ani Ona, noong mga panahon na ipinatupad ang programa, marami pang kailangang ikonsidera at pag-isipian kaya hindi ito dapat itinuloy.
Ang anti-dengue vaccine ng DOH ay naipatupad noong 2016 sa panahon ni dating Health Sec. Janette Garin.