Ayon kay Alvarez, hindi niya magagawa ang naturang banta dahil ang mga budget proposal ng mga local government officials ay kinakailangan na aprubahan ng senado.
Iginiit pa ni Alvarez na maari naman niyang gawin ang hindi pagbibigay ng budget sa mga kongresista at sa iba pang lokal na opisyal na hindi susuporta sa pederalismo pero maari naman itong baliktarin ng senado.
Sinabi pa ni Alvarez na kung nakapagbitiw man siya ng mga pagbabanta ito ay dahil sa naging prangka lamang siya pero hindi naman niya ipipilit na suportahan ang pederalismo.
Una rito, sinabi ni Alvarez na hindi niya bibigyan ng budget ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan kapag hindi sinuportahan ang charter change sa pamamagitan ng constituent assembly para makamit ang hinahangad na pederalismo.