Matatandaang kahapon ay ginawaran ng UST-AAI ng Thomasian Alumni Award for Government Service si Uson na pinuna ng karamihan sa mga netizens, at maging ng UST Central Student Council.
Sa pahayag na inilabas ni AAI President Henry Tenedero at Vice President John Simon, ang bukod tanging criteria nila para sa pagbibigay ng nasabing award ay ang pagiging alumni ng isang tao at pagiging empleyado nito sa gobyerno.
Paliwanag pa ng UST AAI, nagmumula sa apat na sangay ng pamahalaan ang mga awardees ng Government Service Awards, at ito ay ang Kamara, Senado, hudikatura at ehekutibo.
Nilinaw naman nila na iba naman ang nasabing parangal sa The Thomasian Outstanding Leadership Award na pinakamataas na pagkilalang ibinibigay ng unibersidad.
Anila pa, kaya nila ito ibinigay kay Uson upang maging inspirasyon ang kalihim at katawanin ang “tree main core values” ng mga Thomasians na “competence, compassion, and commitment.”
Tugon nila ito sa pagbatikos sa kanila ng UST CSC kung saan sinabi ng organisasyon na hindi karapat-dapat si Uson sa parangal dahil iginagawad lang dapat ito para sa mga “outstanding Thomasian alumni,”
Dagdag pa ng UST CSC, hindi naman ipinapakita o isinasabuhay ni Uson ang ideals ng isang tunay na Thomasian.