Kamakailan kasi ay inakusahan na naman ng China ang Estados Unidos ng paglabag sa kanilang soberenya nang paglayagin ng Washington ang missile destroyer na USS Hopper malapit sa Panatag Shoal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na nilang makibahagi pa sa aniya’y “US-China intramural.”
Dumipensa ang US sa ginawang paninita sa kanila ng China at iginiit na wala silang nilalabag sa international law.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na maaring asikasuhin ng US ang sarili nilang interes.
Samantala, sa gitna ng pagpoprotesta ng China sa presensya ng bandila ng Estadosn Unidos sa Panatag, nilinaw ni Roque na ang claim ng Pilipinas sa nasabing teritoryo ay kinikilala sa ilalim ng Konstitusyon at ng international law.